Kinilala ng House of Representatives ang ipinatupad na mga hakbang ng economic managers upang maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kasunod ito ng ulat ng Philippine Statistics authority na nakapagtala ang bansa ng GDP growth na 4.3% para sa ikalawang quarter ng taon at 5.3% sa unang semester.
“We, in the House of Representatives, commend the unwavering efforts of our economic managers in navigating our nation towards recovery amidst challenging times. The report from the Philippine Statistics Authority, which reflects a 4.3% GDP growth for Q2 2023 and 5.3% for the first semester, highlights both our achievements and areas requiring intensified action.” sabi ni Romualdez
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, batid nila na kailangan pa ring tugunan ang ilan sa hamon na nagpapabagal sa tuluyang pagsipa pa ng ekonomiya gaya ng food inflation.
Kaya naman aniya kaisa sila sa pagsusulong ng mga programa upang maibigay ang access sa murang pagkain.
Kabilang aniya dito ang dagdag pondo para sa sektor ng agrikultura, pagpapalakas sa supply chain, pinaigting na price monitoring at regulation, at pagsasaayos sa import policy.
“One pressing concern that’s evident is the rising food inflation, which has been a significant driver of the economic slowdown. Addressing this is paramount to ensure that every Filipino has access to affordable, nutritious food while also stimulating our agricultural sector” dagdag ng House leader.
Mahalaga rin aniya na ang ‘on-tme’ na pagpapasa sa pambansang pondo, pagpapalakas sa mga lokal na pamahalaan, mabilis na paglalabas ng mga quick response fund, pinaigting na public-private partnership at pagtutok sa mga sektor na mayroong malaking benepisyo gaya ng turismo at MSMEs.
“The House remains proactive in legislative initiatives, from bolstering employment and tourism to enhancing the investment climate and guaranteeing the continued education of our youth. In unity with the Economic Team’s strategies, we’re poised to navigate challenges and sustain our growth trajectory.” sabi pa ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📷: DOF