Economic managers, unang haharap sa Kamara para himayin ang 2024 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ng Kamara bukas, August 10 ang pagbusisi sa panukalang P5.768 trillion 2024 national budget.

Unang sasalang para ipaliwanag ang estado ng ekonomiya ng bansa at ang macro-economic assumptions na naging batayan sa pagbuo ng panukalang 2024 spending program ang Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Pangungunahan ito ng economic managers na kinabibilangan nina Budget Sec. Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, partikular nilang nais malaman mula sa economic team kung paano mapapanatili ang magandang takbo ng ekonomiya at kung paano makakabenepisyo dito ang taumbayan.

“Sa paglago ng ating ekonomiya, dapat itong maramdaman ng ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap sa usapin ng trabaho, kabuhayan at iba pang oportunidad at maging ang pagkakaroon ng pagkain sa lamesa. Sabi nga ng mga ekonomista, dapat maramdaman at makinabang ang lahat,” ani Romualdez

Mahalaga aniya ito lalo at marami sa mga mahihirap ang nagsasabi na tanging mga mayayaman at malalaking kompanya at market players lang ang nakakabenepisyo sa pagsipa ng ekonomiya.

“The poor say they cannot eat growth. If majority of our people do not feel our economic expansion, they should at least see it in terms of the proper use of the national budget for social services, infrastructure, education, health, and even direct financial assistance to the poor and other vulnerable sectors,” diin ng House leader.

Kaya naman nais aniya ng miyembro ng Kapulungan na madagdagan ang pondo para sa mga serbisyo at pro-poor na programa.

Pagkakataon na rin aniya ito para masilip nila na tama ang pagpapatupad sa bagong batas na Agrarian Emancipation Law at ang pondo na inilaan dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us