EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang araw bago ang pasukan ay pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang mga magulang na maging mapanuri rin sa binibiling rain gears gaya ng kapote ng kanilang mga anak.

Ginawa ng toxics watchdog group ang babala matapos madiskubre na ilan sa mga ibinebentang plastic raincoats sa pamilihan ay may nakalalasong kemikal.

Tinukoy nito ang ilang kapote na gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic at nakitaan ng mataas na lebel ng cadmium na delikado para sa mga bata.
Babala ng grupo, ang matagal na cadmium exposure ay maaaring magdulot ng malalang sakit gaya ng cancer.

Para naman maiwasan ito, pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang mga mamimili na huwag bumili ng mga plastic rain gears na may matapang na amoy kemikal at may markang “PVC” o “vinyl.”

Hinikayat din ng grupo ang mga consumer na palaging suriin ang kondisyon ng mga rain gears at iba pang PVC-based products na ginagamit ng mga anak kabilang ang backpacks at lunch bags, upang masiguro na walang cadmium dust na maaaring malanghap ng kanilang mga anak.

“We need to protect our children from this cancer-causing and kidney-damaging chemical that the European Union has banned or restricted in plastics and other articles,” babala ng EcoWaste Coalition. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us