Parami pa ng parami ang bilang ng mga enrollee o mga estudyanteng nagpapatala, 4 na araw bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
Batay kasi sa Learner Information System (LIS) Quick Count ng Department of Education o DepEd para sa SY 2023-2024, pumalo na sa 20,093,611 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong mag-aaral.
Nangunguna pa rin ang Region 4A o CALABARZON sa may pinakamaraming enrollee na may 3.2 milyon na sinundan ng NCR na may 2.4 milyon at Region 3 o Central Luzon ma may 2.1 milyon.
Muli namang ipinaalala ng DepEd sa mga magulang na hanggang bukas na lamang, Agosto 26, 2023 ang enrollment period.
Gayunman, sinabi ng DepEd na ang deadline ay para mabigyang panahon ang mga guro sa paghahanda at tatanggapin pa rin naman ang late enrollees. | ulat ni Jaymark Dagala