Esperanza Bridge sa Biliran-Cabucgayan road section, sasailalim sa repair ng DPWH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panandaliang isasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Esperanza Bridge sa Biliran-Cabucgayan road section sa Agosto 29 ng hapon.

Ito’y para bigyang daan ang initial testing ng pag-angat ng bridge structure bilang bahagi ng isasagawang rehabilitasyon nito.

Ayon sa DPWH, kapag matagumpay ang initial testing, isasara ulit ito ng apat na oras simula alas-2:00 ng hapon ng Agosto 30 para sa pagpapalit ng bearing pads ng bridge structure.

Ngayon pa lang, pinapayuhan na ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong rutang itinalaga ng DPWH.

Lahat ng motorista na papunta ng Caibiran mula Biliran ay maaring dumaan sa Biliran-Naval road section at ang mga motorista naman na papunta ng Biliran mula Caibiran ay pinapayuhang gamitin ang Naval-Caibiran Cross Country Road (NCCCR). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us