Bibigyan pa ng panahon ng House Committee on Ethics si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. para tumugon sa ipinadalang liham bago muling magpulong para sa susunod na hakbang.
Sa isang mensahe, sinabi ni COOP-NATCCO party-list Rep. Felimon Espares, chair ng komite, mayroong 10 araw si Teves para tumugon sa ipinadala nilang komunikasyon.
Matapos nito ay saka lamang aniya muling magpupulong ang komite para talakayin ang susunod na magiging hakbang sa kaso ni Teves, kabilang na ang deliberasyon sa kung ano ang ipapataw na sanction sa mambabatas dahil sa patuloy na pananatili sa labas ng bansa sa kabila ng expired nang travel authority.
“We will wait the reply within 10 days upon receipt of committee notice, before any meeting in the case [will] be conducted.”, sabi ni Espares.
Huling nagpulong ang komite noong August 1 para i-acquire ang jurisdiction sa pagdinig ng kaso ng kasamahang mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes