Pinag-uusapan na ng European Union at ng ating pamahalaan ang mga kondisyon sa maayos na Free Trade Agreement ng dalawang bansa.
Ito’y matapos magkaroon ng isang bilateral meeting ang naturang bansa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan isa sa napag-usapan ang naturang paksa.
Ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen, ito’y upang magkaroon ng maayos na polisya sa pagpapatupad ng Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at European Union kung saan magkakaroon ng mas maayos na economic partnership at pagkakaroon ng maraming trabaho sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Von Der Leyen na ang kanilang bansa ay isa sa mga malaking trade partner ng Pilipinas na nasa ika-apat na puwesto.
Sa ngayon ay isinasaayos na ng kanilang team ang mga kondisyon upang mas maging kapakipakinabang ang nasabing FTA sa dalawang bansa. | ulat ni AJ Ignacio