Final ruling ng SC sa Taguig-Makati terrotorial dispute, di pa rin matuldukan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin ang iringan sa pagitan ng Taguig at Makati LGUs higgil sa pinal na desisyon ng Supreme Court tungkol sa boundaries ng mga ito.

Nanindigan ang lungsod ng Taguig na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksyon ng Taguig.

Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Sa isang statement, iginiit ng Taguig LGU na walang ligal na pwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaring gamiting batayan para iantala ang paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksyon ng Taguig.

Dagdag pa nito, ang opinion na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi na ito bahagi ng routine administrative matter na dapat nitong pangasiwaan sa mga trial court.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas.

Matatandaan na una nang sinabi ng Makati LGU na kailangan umano ng Writ of Execution bago tuluyang makuha ng Taguig ang mga Embo barangays. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us