Sinimulan nang tuparin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang Memorandum of Agreement nito sa Office of the Vice President.
Matatandaang nagkaroon ng kasunduan ang PAGCOR sa OVP na magbibigay ito ng financial grant na ₱120-million annualy.
Ang naturang financial grant ay bunsod ng maraming financial assistance requests mula sa mga bagong tayong satellite offices ng OVP.
Kaugnay nito ay naibigay na ng PAGCOR ang unang tranche ng nasabing tulong para ngayong taon na nagkakahalaga ng ₱30-million pesos.
Sa isang maliit na seremonya ay nirepresenta ni Senior Community Development Officer Ferdinand Marcos Amador II at Budget and Control Officer II Gerardo Hilario ang PAGCOR sa pag-abot nito ng ₱30-million peso check kina OVP Chief Collecting Officer Aniceta Puzon at Chief Accountant Julie Villadelrey. | ulat ni Lorenz Tanjoco