Balik operasyon na ang flight at ground operations ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos maglabas ng Red Lightning Alert Status kaninang madaling araw.
Inilabas ng MIAA Airport Ground Operations and Safety Division ang naturang red alert status bandang 5:23am. Ito’y para maiwasan ang anumang untoward incident sa mga ground personnel, ganun din ang piloto at crew at mga pasahero dulot ng malakas na kidlat.
Sa ngayon ay normal na sitwasyon sa apat na NAIA terminal sa mga oras na ito
Abiso naman ng MIAA sa mga pasaherong may biyahe ngayong araw na bahagyang magakakaroon ng kaunting pagkaantala sa kanilang mga biyahe ngayong umaga. | ulat ni AJ Ignacio