Food packs para sa mga naapektuhan ni bagyong Goring sa Quezon, dumating na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumating na sa Infanta, Quezon ang dalawang wing van trucks na puno ng 3,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development-CALABARZON.

Ayon sa DSWD, ang mga padalang tulong ay para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ni bagyong Goring.

Bahagi rin ito ng tuloy-tuloy na augmentation support sa local government units ng departamento.

Pagtiyak pa ng ahensya na may tatlo pang trucks ang papunta sa lalawigan upang maghatid pa ng karagdagang Family Food Packs para makumpleto ang kabuuang 10,000 para sa munisipalidad.

Samantala , inaapura na rin ng DSWD ang pamamahagi ng mga food packs sa mga pamilya sa Cagayan Valley at Isabela. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us