Sinabi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na ikukunsidera ang apat na malalaking issue ngayon sa bansa kasabay ng pagbusisi sa 2024 National Expenditure Program.
Tinawag ni Recto ang mga isyu ng tumataas utang ng bansa, kalamidad, food security at MUP pension na “elephant in the room”, mga malalaking problema na hindi pinag-uusapan.
Aniya, ang kalamidad na magkakasunod na nagdulot ng pinsala kung saan kailangan ng pagsasaayos, bagay na nakakaapekto sa economic landscape.
Tinukoy din ng mambabatas ang tumataas na utang ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic na nag-iwan ng malaking peklat sa ekonomiya kaya may mga additional revenue measures.
Isa rin sa kanilang ikokonsidera ang targeted mechanism ng “agricultural spending” katumbas ng productivity upang makamit ang sapat na pagkain.
At ang panghuli ay ang usapin ng pension reform na dapat nang maplantsa dahil isa ito sa “fastest growing expenditure” sa loob ng dalawang dekada.
Giit ng Batangas solon, dapat nang matigil at masolusyunan ang mga suliraning ito sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong ferdinand Marcos Jr.