Muling ipinaalala ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa mga overseas POGO operators na sigurihing makapag-re-apply ng kanilang lisensya bago ang September 15.
Matatandaan simula August 1 ay inilagay ng PAGCOR sa probationary status ang lahat ng POGO.
Sa kasalukuyan nasa kulang 30 na lang aniya ang overseas gaming licensees nila.
Sa panig naman ng service providers ng mga POGO, nakapagpasara na aniya sila ng halos 150.
“We have put all the overseas gaming licensees on probationary status effective nung August 1.Hindi ko lang po ma-cancel sila kasi they will be operating illegally. But putting them on probationary status, we have asked all the existing licensees to re-apply. And as of now po kasi ang natira na lang na overseas gaming licensees namin is less than 30.” sabi ni Tengco.
Ang POGO na mabibigong mag-re-apply ay kakanselahin na ang lisensya at hindi na makakapag-operate.
“We require all active licensees to reapply up to September 15 only. If they do not reapply on or before September 15 we will cancel their existing license po.” dagdag ng opisyal.| ulat ni Kathleen Jean Forbes