Nakatakdang i-anunsyo ng Department of Finance (DOF) bukas, araw ng Huwebes ang estado ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa para sa ikalawang quarter ng taong 2023.
Ito ang inanunsyo ni Finance Sec. Benjamin Diokno sa isinagawang post-SONA Philippine Economic Briefing ng mga Economic Manager ng Administrasyong Marcos Jr. sa Davao City ngayong araw.
Sa naturang forum, ipinagmalaki ni Diokno na nakamit ng Pilipinas ang pinakamataas na GDP growth rate o ang paglago ng ekonomiya sa 7.6 percent noong 2020 na itinuturing na record high sa nakalipas na 46 na taon.
Dagdag pa ng kalihim, sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic, napanatili ng Pilipinas ang matatag na ekonomiya hanggang sa makamit ng Pilipinas ang 6.4 percent na growth rate para sa unang quarter ng 2023
Dahil dito, lalo pang tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante sa ibayong dagat na maglagak ng puhunan sa Pilipinas lalo’t isa ito ngayon sa mga nangunguna sa regional at pandaigdigang ranking.| ulat ni Jaymark Dagala