Gentle Hands Executive Director Graff, muling sinampahan ng kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahaharap sa panibagong reklamo si Gentle Hands Inc. (GHI) Executive Director Charity Heppner-Graff.

Kasunod ito ng isinampang criminal case ng isang Ma. Luisa Angel Peralta sa Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules, na nag-ugat sa umano’y pagtanggi ni Graff na ibalik ang kanyang siyam na taong gulang na anak kahit na lingid sa kaalaman nitong inilagay sa kustodiya ng ampunan ang bata.

Sa naturang reklamo, inaakusahan si Graff ng paglabag sa Republic Act 11642 o ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act of 1998.

Tinukoy rin sa reklamo ni Peralta ang pahirapang pagdalaw sa kanyang anak, paghingi ng kung anu-anong dokumento ng GHI at pagbabawal ng ampunan na magkaroon sila ng komunikasyon ng anak, nang hindi nakabantay ang mga tauhan nito.

Dagdag pa nito, pilit itong kinukumbinse na tuluyan nang ipaampon ang anak.

“Inaakusa ko si Ms. Heppner-Graff at ang lahat ng mga Jane at John Does ng GHI, na nagsabwatan at nakipag-ugnay sa isa’t-isa sa paglabag sa Seksyon 54(a)(1) ng Republic Act. No. 11642 o ang Domestic Adoption Act (“R.A. 11642”), dahil sa pagtangkang kunin ang aking consent o pagpayag sa pag-papaampon sa aking menor de edad na anak [siyam (9) na taong gulang] sa pamamagitan ng pamimilit, hindi nararapat na impluwensya, at panloloko, na ginawa nila sa paraan ng pagkakatalakay sa mga sumusunod na talata,” pahayag ni Peralta sa kanyang affidavit-complaint.

Ito na ang ika-apat na reklamo laban kay Graff na nahaharap rin sa tatlong kaso ng kidnapping. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us