Available na ang ilang Gilas Pilipinas official merchandise sa ilang pick-up points ng mga manonood sa FIBA World Cup ngayong araw.
Kabilang dito ang Trinoma pick-up point kung saan isang stall na puno ng Gilas Pilipinas merchandise ang nakapwesto.
Ilan sa mabibili rito ang:
Baller band – ₱50
Foldable fan – ₱80
Lanyards – ₱100
Keychain – ₱100
Mug – ₱150
Drawstring bag – ₱250
Caps – ₱250
Cheering Scarf – ₱450
Jersey Shirt – ₱750
Player Shirt – ₱799
Vacuum Flask – ₱825
Hoodie Jacket – ₱1,445
Bukas ang naturang merchandise stall hanggang mamayang alas-8 ng gabi.
Bukod sa Trinoma pick-up point, available rin ang naturang merchandise sa PITX at sa Petron Marilao at Bocaue.
Samantala, nakaparada at handa naman na ang mga bus na bibiyahe ngayong araw patungo ng Philippine Arena para sa FIBA World Cup opening. | ulat ni Merry Ann Bastasa