Kailangan na magkaroon ng isang boses ang pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa isyu ng pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa umano ay drug related killings.
Ito ang tugon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang mahingan ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta ng reaksiyon, hinggil sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na bukas silang makipagtulungan sa ICC sa isasagawa nilang imbestigasyon sa Pilipinas.
Ito ay kahit pa mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nagsabi na hindi na makikipag-usap o ugnayan ang bansa sa ICC.
Ayon kay Remulla, bagamat isang independent constitutional commission ang CHR ay kailangan pa rin nitong respetuhin at konsultahin ang iba pang sangay ng pamahalaan lalo na ang ehekutibo. Kailangan aniya sigurong makausap muli ang CHR at paliwanagan sa usapin. | ulat ni Kathleen Forbes