“Achievable” pa rin ang growth target ng administrasyong Marcos Jr. sa kabila ng mabagal na paglago sa pangalawang quarter ng taon.
Sa viber message ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa media, sinabi nito na kailangan lamang na maitala ang paglago ng 6.6 percent sa unang bahagi ng taon upang makamit ang 6-7 percent growth target para 2023.
Ang “weak expansion” ay maaring agapan sa pamamagitan ng “aggressive catch up plan” upang palakasin ang government infrastructure spending ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa kalihim, bagama’t may mga panlabas na hamon sa pagkuha sa target, ito ang layunin ng kasalukuyang administrasyon.
Base sa Philippine Statistics Authority, lumago ang GDP ng 4.3 percent mula April hanggang June, mas mabagal sa 6.4 percent sa unang quarter ng 2023. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes