GSIS, tiwalang maaabot ang kanilang target collection ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Government Service Insurance System (GSIS) na maaabot nila ang 60 percent na pagtaas ng kanilang kita ngayong taon.

Ayon kay GSIS Executive Vice President Michael Praxedes, na mayroong internal target na ₱120 bilyon net income ngayon taon para sa pension fund ng mga government workers at retirees.

Mas mataas ito ng 58 percent kumpara ss ₱75.99 bilyon na naitalang kita noong nakaraang taon.

Umabot sa ₱61 bilyon ang net income ng GSIS para sa first half ng 2023, mas mataas ng 20 beses mula sa ₱3 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us