Halos 13,000 pamilyang apektado ng habagat at bagyong Egay, nananatili pa rin sa evacuation centers — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng habagat at bagyong Egay.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 31, umabot pa sa 12,983 ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng 47,727 na indibidwal ang nananatili sa higit 500 evacuation centers.

Nasa 56,000 pamilya rin ang pansamantalang nakikitira muna sa kanilang kaanak.

Kaugnay nito, nakapagtala rin ang DSWD ng 1,697 kabahayan na labis na nasira ng kalamidad habang 44,844 rin ang partially damaged.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa lalawigan na nakapaghatid na ng higit ₱142-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong LGU.

Una na ring tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sapat ang pondo at stockpiles nito ng relief goods para sa mga apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us