Halos 2,000 indibidwal, apektado ng bagyong Goring sa Hilagang Luzon — NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 551 pamilya o katumbas ng may 1,968 o halos 2,000 indibidwal ang apektado ng Super Typhoon Goring sa hilagang Luzon.

Batay ito sa pinakahuling datos na naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, ang mga apektadong pamilya o indibidwal ay nagmula sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Cagayan, at Isabela.

Mula sa nasabing bilang, 213 pamilya o 832 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Pumalo naman agad sa ₱40-milyong piso ang naitalang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastraktura kung saan isang bahay ang nawasak, walong kalsada ang sarado, habang dalawang tulay ang hindi madaanan dahil sa bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us