Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng halos 4,000 mga magsasaka sa Cagayan Valley na apektado ng pananalasa ng bagyong Goring.
Batay sa inisyal na ulat ng DA-DRRM Operations Center, as of August 30, aabot na rin sa higit 11,000 ektarya ng mga lupaing sakahan ang napinsala ng bagyo na may katumbas na ₱189.1-milyong halaga.
Pinakaapektado ang mga palayan sa Cagayan at Isabela kung saan aboot sa 5,700 ektarya ang napinsala.
Nasa 5,500 na ektarya rin ang nasirang maisan na may katumbas na ₱132-million.
Bilang tulong naman sa mga naapektuhang magsasaka, naghanda na ang DA ng ₱100-milyong halaga ng mga binhi na maaaring ipamahagi sa mga tinamaan ng bagyo.
Handa na rin ang Quick Response Fund (QRF) ng ahensya para sa rehabilitasyon ng mga nasirang sakahan. | ulat ni Merry Ann Bastasa