Health Caravan ng Philippine Red Cross, umarangkada sa Capiz

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ng Philippine Red Cross sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dumayo ang mga volunteer at kawani ng PRC Capiz Chapter sa munisipalidad ng Dumarao upang maghatid ng iba’t ibang serbisyo sa komunidad.

Nasa 349 na residente ng Dumarao ang nabigyan ng libreng health consultations, dental services at dental kit distribution, first aid demo, bakuna, blood typing, at hot meals.

Nagkaroon din ng libreng Operation Tuli para sa mga kabataang lalaki sa lugar.

Ang pagkakaroon ng PRC Health Caravan event sa naturang lalawigan ay naisakatuparan sa tulong ng iba’t ibang organisasyon at Rural Health Unit ng Dumarao. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us