Itinalaga ni Cavite Provincial Director Police Col. Chris Olazo bilang Acting Chief ng Imus Police Station si Police Lt Col. Jack Angog.
Ito’y kasunod ng relief at re-assignment kahapon ng hepe ng Imus Police Station na si Police Lt. Col. Michael Batoctoy at siyam nitong tauhan dahil sa kwestyonableng operasyon na nangyari nitong August 2.
Tiniyak naman ni Olazo ang mabilis at impartial na imbestigasyon sa insidente na nakunan ng video at kumalat sa social media.
Giit ni Olazo na hindi nya kukunsintihin ang anumang pagkakamali ng kanyang mga tauhan at papanagutin nila ang mga mapatunayang lumabag sa police operational procedures.
Lumutang ang insidente matapos na ireklamo sa Facebook post ng complainant ang umano’y ginawang pagnanakaw ng mga pulis sa isang anti-drug operation. | ulat ni Leo Sarne