Higit ₱168-M ayuda, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukod sa mga apektado ng Super Typhoon Egay ay patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tatlong rehiyong nakaranas ng malalakas na pag-ulan at bahang dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon.

Ayon sa DSWD, aabot na sa higit ₱168.3-million ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa higit isanlibong apektadong brgy sa Region 3, CALABARZON, at Region 6.

Kabilang rito ang family food packs para sa higit 5,000 pang pamilya na nananatili sa evcuation centers at pati na cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

As of August 8 naman, umakyat pa sa higit 691,195 pamilya o 2,487,497 na indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.

Una na ring pinamadali ni DSWD Secretary Gatchalian ang pagdi-dispatch ng food packs para sa mga binaha sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us