Higit 100 indidbiwal, inilikas sa Bagong Silangan, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC-DRRMC) ng preemptive evacuation sa ilang pamilya sa Bagong Silangan dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring.

As of 7:54am ay mayroon nang 32 pamilya o katumbas ng 107 na indibidwal ang inilikas ng pamahalaang lungsod.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa Bagong Silangan Isolation Building.

Samantala, ilang kalsada sa lungsod ang baha pa rin dahil sa walang patid na pag-ulan.

Kabilang dito ang:
Banave Corner Retiro – Waist deep
Don Jose Corner Retiro – Waist deep
Retiro Cor Biak Na Bato – Gutter Deep
Biak na Bato Cor Don Manuel – Gutter deep Sto. Domingo Cor Clamba – Waist deep
Don Jose Cor Clamba (Knee deep)
Biak na Bato Cor Samat (Gutter deep)
Biak na Bato Cor Calamba – Gutter deep
Talipapa Alleys – Knee deep
Araneta Cor Retiro – Knee deep
Retiro Cor Araneta – Knee deep
Front of Sto. Domingo Barangay Hall – Waist
deep

Baha na rin sa Gumamela St. sa Brgy. Roxas.

Nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa Quezon City na inaasahang uulanin pa sa mga susunod na oras. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us