Aabot sa 218 na job applicants ang hired on the spot sa ginanap na maghapong Mega Job Fair sa Malabon City kahapon.
Ito’y ayon kay Malabon City Public Employment Service Office Chief Luziel Balajadia.
Ang mga aplikante ay mula sa higit 1,500 job seekers na sumubok na mag apply ng trabaho sa iba’t ibang kumpanya na lumahok sa job fair.
Higit sa 50 local companies ang nag-alok ng trabaho bukod pa ang iba pang kumpanya na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa. Ang inilunsad na job fair kahapon ay inisyatiba ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Robinsons Town Mall. | ulat ni Rey Ferrer