Kabuuang 754 na indibdwal ang nabakunahan ng libreng bivalent COVID-19 vaccine sa ginawang bakunahan sa House of Representatives.
Ang one-day bivalent vaccination ay bahagi pa rin ng CongVax program ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang vaccination drive ay ginawa nitong Huwebes, August 10, at binuksan para sa mga House members, employees, staff, at ilang walk-in.
Ayon kay House Medical and Dental Service (MDS) Director Dr. Luis Jose Bautista, ang pagbabakuna ay hindi para hindi magka-COVID bagkus ay makaiwas sa severe COVID case.
Ang ginamit na Pfizer bivalent vaccine ay mayroon aniyang 65% efficacy para maiwasan ang serious case ng COVID-19. | ulat ni Kathleen Jean Forbes