Higit sa 200 residente ng isang barangay sa Angeles, Pampanga pinagkalooban ng humanitarian initiative ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang medical at Dental Mission katuwang ang local na pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Capaya 2.

Bukod sa aktibidad, nagsagawa rin ng Gift Giving at Feeding Program sa mga residente ng lungsod.

Naging katuwang ng PCG ang PCG Auxiliary Executive Squadron sa nasabing humanitarian initiative.

Aabot sa kabuuang 261 indibidwal ang nakinabang at tumanggap kabilang na ang mga menor de edad sa nasabing operasyon at mga serbisyo sa paglilinis ng mga ngipin.

Sa naturang medical mission, libre ang ibinibigay na gamot para sa mga kwalipikadong indigent o mahihirap upang hindi na nila problemahin ang pambili ng gamot.  | ulat ni Michael Rogas

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us