Mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2, naitala ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng liptospirosis sa lungsod Quezon.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ang 22 kaso ng leptospirosis kung saan 10 kaso o 45% dito ay naitala sa isang araw lamang noong Agosto 1.
Sa partikular na panahon lamang ay may pagtaas ng 533% na mga kaso ang naobserbahan kumpara sa nakaraang linggo mula Hulyo 20 hanggang 26.
Sa ngayon, umabot na sa 69 ang kaso ng leptospirosis sa lungsod.
Mula Enero 1 hanggang Agosto 2, 2023, pito (7) na ang kumpirmadong leptospirosis death cases.
Payo pa ng CESU, sino man ang makaramdam ng sintomas ng leptospirosis, kailangang pumunta kaagad sa pinakamalapit na health center o pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas. | ulat ni Rey Ferrer