Hosting ng bansa ng FIBA World Cup, pagkakataon para maipakita sa mundo ng ganda ng Pilipinas — Sen. Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang nalalapit na hosting ng Pilipinas ng FIBA world cup 2023 ay mahalaga sa pagtataguyod ng sportsmanship, international camaraderie, at pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo.

Ito ay kasabay ng pagpapahayag ng Senate Committee on Sports chairperson ng suporta para sa nalalapit na event.

Iginiit ni Go na ang hosting ng Pilipinas ng isang malaking sports event ay pagkakataon para mai-promote natin ang ating bansa at mapalakas ang turismo sa bansa.

Ipinunto ng senador na sa ilalim ng 2023 National Budget ay may dagdag na pondo para maging matagumpay ang hosting ng ating bansa ng FIBA world Cup.

Kaugnay nito, hinikayat ni Go ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas National Basketball Team sa kanilang mga magiging laban.

Umaasa rin ang mambabatas na magkakaisa ang lahat para maging matagumpay ang torneyong ito.

Sa biyernes, August 25, magbubukas ang FIBA World Cup kung saan 16 sa top 32 basketball teams sa buong bansa ang pupunta sa Pilipinas para sa group stages. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us