Binigyang diin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang nalalapit na hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 ay mahalaga sa pagtataguyod ng sportsmanship, international camaraderie, at pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo.
Ito ay kasabay ng pagpapahayag ng Senate Committee on Sports Chairperson ng suporta para sa nalalapit na event.
Iginiit ni Go, na ang hosting ng Pilipinas ng isang malaking sports event ay pagkakataon para mai-promote natin ang ating bansa, at mapalakas ang turismo sa Pilipinas.
Ipinunto ng senador, na sa ilalim ng 2023 national budget ay may dagdag na pondo para maging matagumpay ang hosting ng bansa sa FIBA World cup.
Kaugnay nito, hinikayat ni Go ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas National Basketball team sa kanilang mga magiging laban.
Umaasa rin ang mambabatas, na magkakaisa ang lahat para maging matagumpay ang torneyong ito.
Sa Biyernes, August 25, magbubukas ang FIBA World Cup kung saan 16 sa top 32 basketball teams sa buong bansa ang pupunta sa Pilipinas para sa group stages. | ulat ni Nimfa Asuncion