House panel chair, nanawagan sa mga employers na bayaran ang social security contribution ng kanilang mga empleyado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang mga employer na tumalima sa kanilang obligasyon at bayaran ang social security contributions ng kanilang mga empleyado.

 Ito’y matapos lumabas sa report ng Commission on Audit na 466,881 employers sa buong bansa ang bigong i-remit ang nasa P92.49 billion na halaga ng premium contribution sa Social Security System (SSS) noong nakaraang taon.

 “Hinihimok natin ang mga employer na huwag talikuran ang kanilang responsibilidad. Bayaran po natin ang mga premium ng mga empleyado natin. Nakasalalay po sa mga koleksyong ito ang kakayahan na patuloy na ibigay sa mga miyembro ang mga claims at benefits na karapatan nilang matanggap.” diin ng mambabatas.

 Sa audit report ng COA P2.48 billion lang ang nakolekta ng SSS—o 3% na mas mababa sa target na P94.97 billion noong 2022

Binigyang diin ni Nograles na mahalaga ang pagbabayad ng kontribusyon para magtuloy-tuloy ang operasyon ng SSS.

Mayroon din naman aniyang condonation program ang SSS para makapagbayad pa rin ng kontribusyon ang mag employers nang walang penalty. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us