House Speaker Romualdez, nakakuha ng commitment mula Vietnam sa patuloy na pagsusuplay ng bigas sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakuha ng commitment si Speaker Martin Romualdez mula Vietnam para patuloy na magsuplay ng murang bigas sa Pilipinas.

Kasunod ito ng naging pulong ng House leader sa kaniyang Vietnam counterpart na si Vuong Dinh Hue, President ng National Assembly of Vietnam bago ang pagbubukas ng 44th AIPA General Assembly.

Matatandaan na una nang nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa suplay ng bigas ng bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Egay at banta ng El Nino.

Maliban pa ito sa export ban ng India sa non-basmati rice na makakaapekto rin sa pandaigdigang presyo ng bigas.

Ang Vietnam ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng bigas ng Pilipinas.

Malaking tulong naman ani Romualdez ang pangako na ito ng Vietnam para mapahupa ang posibleng pagtaas sa presyo ng bigas.

Bilang tugon naman, sinabi ng Leyte solon ang kahandaan ng Pilipinas na mag-suplay ng produkto at materyal na kailangan ng Vietnam.

Napag-usapan din ng dalawang parliamentary leaders ang pagpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam sa energy transition, digital transformation, agri products at construction materials.

Inimbitahan naman ni Hue si Romualdez na bumisita sa Vietnam bilang sukli sa mainit na pagtanggap ng Philippine congress sa delegasyon ng Vietnman na bumisita noong Nobyambre ng nakaraang taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us