Tinatayang aabot sa P1-milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo matapos lamunin ng apoy ang humigit kumulang sa 150 mga bahay sa Tambucho Drive, Camino Nuevo, lungsod ng Zamboanga kagabi.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) – ZC Fire District, nasa 139 pamilya ang naapektuhan sa nasabing sunog na nagsimula bago mag-alas-9:00 kagabi na umabot sa ikatlong alarma.
Wala namang naiulat na nasawi habang dalawa ang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog na kasalukuyan pang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan nito.
Samantala, namahagi na ng pagkain ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga bilang inisyal na tulong sa higit 100 pamilya na naapektuhan sa nangyaring sunog. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga