Hustisya sa pagkamatay ng biktima ng mistaken identity sa Navotas, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng hustisya sa pagkamatay ng isang 17-taong gulang na biktima ng mistaken identity sa Navotas.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan magiging patas at mabilis ang imbestigasyon sa mga pulis na bumaril at nakapatay kay Jerhode Jemboy Baltazar na napagkamalang tinutugis na suspek.

Base sa ulat ng Navotas City Police, nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis sa mga suspek sa isang shooting incident noong August 2 sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas nang makita nila si Baltazar at ang kanyang kaibigan na sakay ng isang bangka.

Sa takot, tumalon umano si Baltazar sa tubig na mistulang tumatakas, at doon na siya pinagbabaril ng mga awtoridad na wala umanong warning, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dinisarmahan na at isinailalim sa restrictive custody ang anim na Navotas City police officers na kinabibilangan ng isang police executive master sergeant, tatlong staff sergeant, dalawang corporal, at isang patrolman, na nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal partikular na ang reckless imprudence resulting in homicide. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us