Mariing kinondena ng iba’t ibang embahada na nandito sa Pilipinas ang panibagong harassment ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal kamakailan.
Sa inilabas na statement ng British Embassy sa Pilipinas, mariin nitong tinuligsa ang ginawang panghaharang at paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard habang naglalayag patungong Ayungin Shoal ang Philippine Coast Guard para maghatid ng suplay ng pagkain ng mga sundalong Pilipino.
Masyado umanong marahas at mapanganib sa banta ng kapayapaan ang ginawa ng China laban sa Pilipinas.
Nanindigan din ang Embahada ng Britanya na kaisa ito ng Pilipinas sa pagpapatupad ng International Law.
Ang Embassy ng Amerika, tiniyak na magiging katuwang nito ang Pilipinas sa anumang hangarin na panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea ngunit kinokondena ang ginawa ng Chinese Coast Guard.
Ang Embahada naman ng Canada sa Pilipinas ay Umaapela sa Peoples Republic of China na sundin ang International Law at respetuhin ang maritime boundaries. | ulat ni Michael Rogas
📸: PCG