Iba’t ibang mga inisyatibo, inilatag ng pamahalaan upang maaabot ang sustainable development goals ng bansa, ayon sa NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa katatapos na International Association of Schools and Institutes of Administration 2023 conference, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga inisyatibo ng pamahalaan upang maabot ang sustainable development goals ng bansa.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ito ay sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng bansa partikular na ang COVID-19 pandemic na nagpahirap na maabot ang development targets ng Pilipinas.

Kabilang sa mga inisyatibong ito ay ang pagbuo ng Philippine Development Plan 2023 – 2028, 8-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos Administration, at ang AmBisyon Natin 2040 kung saan nakapaloob ang mga istratehiya tungo masaganang ekonomiya at maginhawang buhay para sa mga Pilipino.

Natalakay din sa naturang conference ang pagsasama sa expenditure program ng pamahalaan ng mga programang nakatutok sa sustainable development goals ng Pilipinas, pati na ang paglikha ng mga kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito ay sinabi ni Balisacan na kailangan pang paigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang nito para maabot ang development goals sa pamamagitan ng multi-sectoral approach at kailangang matiyak na kasama ang lahat ng lokal na pamahalaan at mga stakeholder.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us