Iba’t ibang panukalang batas para sa mura, accessible at dekalidad na libro, umuusad na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng technical working group ang House Committee on Basic Education and Culture sa pamumuno ni House Committee Chair at Pasig Rep. Roman Romulo upang i-consolidate ang siyam na panukalang batas na naglalayong gawing “accessible” ang mga libro ng mag-aaral.

Ang iba’t ibang panukala ay upang matiyak na gawing dekalidad at mura ang mga libro para sa private at public schools.

Layon din nito na mapalakas ang industriya ng mga libro sa bansa. Kabilang dito ang House bill 2670 ni Manila Teachers Party List Rep. Cirgilio Lacson na nagsusulong na gawing batas ang libreng learning materials at iba pang school supplies para sa mga estudyante ng kinder hanggang grade 12 sa public schools.

Kasama din sa consolidated bill ang panukala ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na mapanatili ang “retail price” at “uniform discount scheme” na malaking tulong sa mga magulang at estudyante. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us