Ilang detalye hinggil sa burol ni yumaong Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople, inilabas na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang iburol ang labi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa Heritage Memorial Park sa Taguig City mamayang hapon.

Ito ang ipinabatid ng DMW kasunod na rin ng biglaang pagpanaw ng kalihim kahapon ng hapon mula sa isang ospital sa Metro Manila.

Gayunman, ipinabatid ng DMW ang kahilingan ng pamilya Ople na sa halip na mga bulaklak ay mag-donate na lamang sa Blas F. Ople Policy Center.

Ang Blas F. Ople Policy Center ay ang tanggapang itinatag ng yumaong kalihim bago pa man siya naupo sa puwesto bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya na tulungan ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa ganitong paraan ayon sa DMW at pamilya Ople ay maipagpapatuloy pa nito ang kanilang hangarin na maitaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga OFW sa ibayong dagat.

Inaasahang maglalabas naman ng karagdagang detalye ang DMW at pamilya Ople hinggil sa burol ng yumaong kalihim na tatagal hanggang sa Martes ng susunod na linggo, August 29. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us