Ilang jeepney driver sa QC, iba-iba ang pananaw sa binubuhay na ‘surge fee’ tuwing rush hour

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaiba ang pananaw ng ilang mga jeepney driver sa Quezon City sa binubuhay na hirit na ‘surge fee’ sa pamasahe tuwing rush hour.

Itinutulak ng transport group na Pasang Masda ang P1 dagdag-singil sa pasahe bilang “surge fee” tuwing rush hour o mula 5 a.m. hanggang 8 a.m., at mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

May ilang driver na gaya ni Mang Raymark na sinabing good news ito kung maaprubahan dahil pandagdag rin ito sa kanilang pangkarga ng diesel.

Si Mang Joel, jeepney driver na biyaheng delta-panay ave., nag-aalala namang baka maraming pasahero ang magalit kapag nagkaroon ng surge fee.

Para naman kay Mang Noli, baka pagmulan lang ito ng away sa pagitan ng driver at pasahero. Posible rin anjyang maabuso ito at masamantala ng ilang driver na maningil pa rin kahit hindi rush hour.

Sa ngayon, ongoing pa ang deliberasyon sa hirit na ito ng Pasang Masda.

Samantala, umaasa naman ang mga jeepney driver na mailabas na sa lalong madaling panahon ang fuel subsidy na pangako ng LTFRB.

Una nang sinabi ng DOTR na nakahanda na ang halos P3-B pondo para sa fuel subsidy sa PUV drivers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us