Naglabas na ang mga kumpanya ng langis ng presyo sa naka-ambang taas-singil sa produktong petrolyo, bukas.
Simula mamayang alas-12 ng hating gabi magkakaroon ng taas-singil ang kumpanyang Caltex ng P1.10 sa kada litro ng gasolina, habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel, at P0.70 naman sa kerosene.
Bukas naman ng alas-6 ng umaga, magpapatupad ng kaparehong taas-singil ang kumpaya ng Pilipinas Shell at Sea Oil.
Samantalang bukas ng alas-4 ng hapon ay magpapatupad din naman sa kaparehong halaga ang Clean Fuel.
Inaantay na lamang ang ilan pang kumpanya na mag-anunsiyo ng taas-singil bukas. | ulat ni AJ Ignacio