Ilang lugar sa Las Piñas, Bacoor, at Imus City sa Cavite, makakaranas ng arawang water service interruption hanggang Nobyembre – Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng abiso ang kumpanyang Maynilad kung saan ilang lugar sa Las Piñas City, Bacoor City, at Imus City sa Cavite ang makakaranas ng daily water service interruption.

Ang nasabing daily water service interruption ay magsisimula sa Martes, August 8 tuwing 5 PM hanggang 6 AM at ito ay matatapos sa November 2 o Todos Los Santos.

Ayon sa Maynilad, papalitan nila ang lahat ng 14 na ultrafiltration membranes ng Putatan Water Treatment Plant 2 upang mapanatili ang optimum filtration capacity ng planta, bilang paghahanda sa amihan season kung saan kalimitang tumataas ang turbidity level ng raw water sa Laguna Lake.

Sinabi rin ng Maynilad, na pinapalitan na ang mga membrane per batch upang mabawasan ang epekto ng mababang water production sa mga customer.

Humihingi ng paumanhin ang Maynilad sa abalang maidudulot ng aktibidad sa mga residente, at pinayuhang mag-imbak ng sapat na tubig upang paghandaan ang water interruption.

Para sa kabuuang listahan ng mga barangay na apektado ay mangyari lamang bisitahin ang official social media pages ng Maynilad. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us