Ilang mambabatas, tutol sa panukala na ihinto ang libreng tertiary education program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing tinutulan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala ni Finance Sec. Benjamin Diokno na repasuhin ang libreng college education program para sa posibleng pagpapatigil dahil sa hindi na ito sustainable.

“I am against the proposal to stop the program because it benefits many poor but deserving high school graduates who cannot otherwise pursue college education without government financial assistance,” sabi ni Rodriguez.

Sa ilalim aniya ng P5.768 trillion proposed 2024 national budget, P51.1 billion lang ang panukalang pondo para sa libreng kolehiyo o wala pang isang porsyento ng kabuuang national budget.

Maliban dito, tanging mga mahihirap lang naman na mag-aaral na mage-enroll sa state at local colleges and universities, ang nakikinabang dito.

Sa isang forum sinabi ni Diokno na tutol siya sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 noong bahagi pa siya ng Duterte administration.

Maliban sa hindi sustainable ay mas marami pa ring mahihirap na hindi pumapasok sa kolehiyo.

Tugon naman dito ni Rodriguez, dapat isailalim sa mahigpit na vetting o pagsala ang mga estudyanteng benepisyaryo ng libreng kolehiyo.

Ganito rin ang punto ni House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza.

Aniya para matiyak, na hindi masasayang ang pondo kailangan lang tiyakin na totoong mga benepisyaryo ang makikinabang sa programa at ayusin ng mga kolehiyo at unibersidad ang kanilang acceptance system.

Hindi rin aniya dapat tingnan ang edukasyon bilang gastos bagkus ay bilang isang investment.

“To begin the reforms, a mind shift is necessary; education is not an expense but rather a worthy investment. I am sure our Finance Secretary, one with a solid background in business and investments, sees it this way, too,” sabi ni Daza. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us