Naglabas na ng magiging presyo ang ilang kumpanya ng langis sa nakaambang taas singil sa produktong petrolyo, epektibo bukas.
Bukas ng Alas sais ng umaga magpapatupad ang kumpanyang pilipinas shell at sea oil ng 30 centavos ang itataas sa kada litro gasolina habang nasa 70 centavos naman ang kada litro ang itataas sa kada litro ng diesel.
Kaugnay nito magpapatupad ng kaparehong halaga ng taas singil ang kumpanyang Caltex mamayaran hating gabi ng Martes.
Bukas naman ng alas kwtaro ng nakatakda namang ipatupd ang kumpanyang clean fuel sa kaprehong presyo ng taas singil. | ulat ni AJ Ignacio