Ilang miyembro ng House Ethics Committee, ikinagulat ang pagturing ng ATC kay Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang terorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi inaasahan ng mga miyembro ng House Committee on Ethics and Privileges ang inilabas na desisyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagtuturing kay Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. bilang terorista.

Ayon kay AKO BICOL Party-list Representative Jil Bongalon, vice-chair mg komite, kanilang ikinagulat na may inilabas na resolusyon ang ATC laban sa kanilang kasamahan.

Pinabulaanan din ng kongresista ang paratang ng kampo ni Teves na tila may collusion o sabwatan ang komite at ATC dahil sa nataon ang paglalabas ng resolusyon sa pulong ng Ethics Committee para i-acquire muli ang jurisdiction sa kaso ni Teves.

“We were surprised na naglabas po ng resolution ang ATC. Nagkataon lang po siguro na naka-set yung schedule ng Committee on Ethics and Privileges today. Wala pong ganun. In fact kahit tanungin po yung ibang miyembro, they were surprised na mayroon resolution na lumabas,” sabi ni Bonggalon.

Pagtiyak naman ni Manila Representative Bienvenido Abante, miyembro ng Ethics Committee, na magkakaroon ng due processs sa pagtalakay ng patuloy na leave of absence ni Teves kahit expired na ang kaniyang travel authority.

Ayaw din naman aniya nila na masabihang hindi patas, lalo at apektado rin ang Kapulungan sa pagdeklara kay Teves bilang terorista.

“We are doing everything we can to let our pepopel realize na ito, hindi ito railroading.. hindi ito yung nais na lang natin makalimutan sapagkat apektado rin kami dito. So we really would like to be really objective sa desisyon namin. Ayaw namin na masaktan yung isang member nung House ng wala man lang tamang motibo. We’d like to really exhaust all means na talagang matibay yung batayan namin for whatever recommendation we will issue,” saad ni Abante. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us