Binalasa ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang ilang matataas na opisyal ng PNP.
Inilipat ni Acorda si PNP Directorate for Plans Director Police Major General Jonnel Estomo sa Area Police Command – Western Mindanao.
Ito ay bilang kapalit ni Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na nagretiro na sa serbisyo.
Uupo naman sa binakanteng pwesto ni Estomo sa PNP Directorate for Plans si Police Brigadier General Nicolas Salvador.
Epektibo ang pag-upo sa bagong pwesto ng dalawang opisyal kahapon, August 10. | ulat ni Leo Sarne