Ilang taxi driver sa QC, natataasan sa hirit na ₱70 flagdown rate

Facebook
Twitter
LinkedIn

May agam-agam ang ilang taxi driver sa Quezon City sa hirit ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na irekonsidera ang kanilang petisyon na maitaas sa ₱30 o gawing ₱70 na ang flagdown rate sa taxi.

Ayon kay Mang Adam at Carlito, pabor naman silang magkaroon na rin ng taas-pasahe sa taxi lalo’t apektado rin sila ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Katunayan, ngayong Martes, umakyat pa sa ₱65-₱67 ang kada litro ng gasolina matapos ang panibagong oil price hike.

Gayunman, masyado aniyang mabigat naman para sa mga commuter ang ₱70 flagdown rate.

Ikabibigla raw ito ng maraming pasahero na baka ayawan na ang taxi at pumili na lang ng ibang transportasyon.

Ayon kay Mang Doy, kung ito ang tatanungin, makatwiran na ang dagdag na ₱10 sa flagdown rate.

Kaugnay nito, umaasa naman ang mga driver na mailabas na sa lalong madaling panahon ang fuel subsidy na kailangan din ng kanilang sektor. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us