Bibigyan aksyon ng lokal na pamahalahan sa lungsod ng Iligan City ang kakulangan sa mga pasilidad at ibang pangangailangan ng female dormitory sa Iligan City Jail.
Sa pagbisita ng bagong naitalagang Jail Warden ng Female Dormitory sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Iligan City Female Dormitory, JCInsp. Mary Rose S. Pacana kasama ang kanyang mga kasamahan sa tanggapan ng butihing alkalde ng lungsod, Mayor Frederick W. Siao. Napag-usapan ang planong pagdagdag ng dormitory para sa mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa detalye binigay ng tanggapan ni Mayor Siao, may humigit kumulang animnapu (60) female PDLs ang kasalukuyang nasa female dormitory ng BJMP-Iligan City Jail, kung saan ang normal lang na kapasidad ng naturang kulungan ay tatlumpu (30) lamang.
Nabanggit din sa kanilang pagpupulong ay ang importansya ng isang magandang environment para sa ating mga female PDLs upang sila’y tuluyang makapag simula ng bagong buhay.
Samantala, ayon din sa datos ng BJMP-Iligan City karamihan sa mga kasalukuyan nasa kulungan ng mga kababaihan ay pawang may kasong may kinalaman sa droga.
Ang adhikain na ito ni Mayor Siao ay kasama na sa programang pangkapayapaan at suporta ng alkalde sa sektor ng kapulisan na siyang tumutulong sa pagpapanatiling ligtas at mapayapa ang buong syudad.| ulat ni Alwidad Basher| RP1 Iligan