Immunization campaign sa bansa, pinalalakas ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinaos ngayong araw ang isang summit na layong palakasin ang “immunization” o pagbabakuna sa bansa.

Sanib-pwersa ang Department of Health, UNICEF PH, at World Health Organization PH sa “Immunization Summit 2023: Closing the Immunization Gap, Championing Our Children’s Future Together.”

Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, tagapagsalita ng Kagawaran, ito ang unang summit na inilunsad ni DOH Sec. Ted Herbosa.

Aniya, mahigit 700,000 na mga bata ang “zero dose” pagdating sa bakuna laban sa tigdas.

Habang lumabas na ang Pilipinas ay panglimang bansa sa buong mundo na may malaking bilang ng zero dose.

Aminado rin si Tayag na nakakaalarma ang sitwasyon, kaya naman kumikilos ang DOH at mga katuwang nito upang mapalakas ang pagbabakuna laban sa tigdas, rubella at iba pang vaccine preventable diseases.

Naghahanap din aniya ng bagong paraan para mahimok ang mga magulang, dahil marami pa rin ang ayaw na pabakunahan ang mga bata. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📷: DOH

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us